Ilang hamon sa bagong Comelec chairman

UUPO sa araw na ito bilang bagong chairman ng Commission on Elections si election lawyer Sixto Brillantes.

Huwag na nating isama sa ating usapan kung may gagamit sa kanya sa 2013 at lalo sa 2016 na presidential elections.

Ipako natin muna, mga Bro, sa ilang matagal nang problema ng Comelec ang ating usapan.

COMELEC HINDI ANG BOTANTE

Hindi lingid kay Tserman Sixto ang akusasyon na hindi ang botante ang nagpapanalo sa isang kandidato kundi ang Comelec.

Kung kaninong kamay ang  itataas ng Comelec na panalo, iyon ang panalo kahit talo.

Dito nagkakaroon ng maraming patayan at kaso na inaabot ng siyam-siyam.

Ano-ano ba ang pupuwedeng gawin dito ni tserman upang maiwasan ang patayan at kasong wala namang kinahihinatnan?

DAGDAG-BAWAS

Ke mano-mano o taasan ng kamay o cara y cruz o precinct count optical scan daraanin ang halalan, laging may dagdag-bawas.

Karaniwang nagiging biktima ang mga mahihinang kandidato o wala sa poder.

Klaro ito sa mga lugar na katulad ng Maguindanao at iba pang pinaghaharian ng mga warlord at diyos sa pulitika.

Hindi kaso kundi kamatayan naman ang pangunahing paraan ng paglutas dito.

Ano-ano naman kaya ang mga nasa isipan ni tserman sa problemang ito?

MAGKANO?

Mapahalalan o hindi, ang simpleng katanungang magkano ang dumidemonyo sa Comelec.

Hindi natin malilimutan, mga Bro, ang multibilyong kontrata sa Photokina at PCOS machines.

Hindi tayo kuntento sa ending ng mga kaso ukol dito. Isa nga rito ang idineklara mismo ng Supreme Court na iligal at may korapsyon pero walang kriminal.

Nandiyan din ang mga kontrata sa ink at ballpen, balota, pcos machines at delivery ng mga ito na bilyon-bilyong piso rin ang halaga.

Mayroon bang nalutas sa mga ito?

May mga nakulong bang taga-Comelec at mga kakutsaba nilang mga negosyante?

Ano-ano ang mga iniisip at gagawin ni tserman sa mga ito?

Sa susunod ay iisa-isahin din natin ang mas nakapaninindig na balahibong problema sa Comelec at halalan.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply