Ilang kongresista boto kay Macalintal

DINEPENSAHAN ng mga kongresista ang plano ni Pangulong Benigno Aquino III na kunin ang serbisyo ng election lawyer na si Romeo Macalintal sa Commission on Elections.

Ipinaliwanag ni Deputy Speaker Erin Tanada na karapatan ni P-Noy kung sino ang itatalaga nito sa pwesto.

Naniniwala si Tanada na hindi preparado ang Pangulo nang maupo sa Malacanang kaya hindi pa matukoy kung sinu-sino ang mga itatalaga sa pwesto.

Nanawagan din si Tanada na bigyan muna ng hanggang isang taon ang Pangulo at mga opisyal na kinuha nito bago husgahan ang kanilang magagawa o kakayahan na pamunuan ang gobyerno.

Bagama’t tutol si San Juan Rep. JV Ejercito sa ginagawang pagre-recycle ni P-Noy sa mga dating opisyal ni Dating Pangulong GMA ay makabubuti aniyang bigyan ng kahit isang taon ang administrasyon bago pa man hatulan ng taumbayan ang kaniyang gobyerno.

Sinabi ni Ejercito, sa pagitan nina Atty. Macalintal na matagal na naging abogado ni dating PGMA ay makabubuti aniyang si Atty. Sixto Brillantes na lamang ang italaga ni P-Noy sa Comelec. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply