Ilang pagbabalik-tanaw sa Showbiz 2010

ILAN sa mga tumatak na quotations sa movie and entertainment industry sa nagdaang taon ay ang mga sumusunod:

“I can say… there is nothing major major, I mean problem that I have done in my life.” When I saw Venus Raj saying such, sabi ko sa sarili ko, sayang. Muntik na ang korona. Talo ito. Talo nga. Pero okay pa rin kesa wala. At naging bukambibig na nga ang major-major hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin.

“Naubos ang pagmamahal ko kay James last April 26.” Reaction ko dito noon, naku, pumapel na naman si Kris Aquino. Hindi pabayaang sa kuya PNoy niya muna ang limelight, tutal, ito naman ang nanalong presidente ng bansa.

“Naramdaman ko na ang breakup namin ni P-Noy bago pa ito mangyari.”

Naisip ko naman, hindi ba pinakawalan ni PNoy ang isa sa pinakamagandang babaeng naging syota niya? Ano pa ba ang gusto niyang mangyari sa buhay niya? At may balak pa ba siyang mag-asawa? Kawawa naman si Shakani Soledad.

“Lock issue sa amin ni John Lloyd, non-sense!” Sa true lang. bigla akong nag-research kung bakit nagkakaroon ng vaginal lock ang isang babae. Aba, at meron nga pala, at manamana yan. In other words, hereditary. At pwede palang maputol ang penis kapag hindi agad naalis. Pero ang kuwestiyon, ganoon nga ba katindi si Shaina Magdayao?

“Sila nalang ang mamili ng kakanta ng Lupang Hinirang.” Ako rin, nakikiisa kay Aiza Seguerra sa sinabi niyang iyan. E kasi naman, bakit napakahigpit nila sa pagkanta ng Lupang Hinirang, samantalang sa ibang bagay na mas importante, binabale-wala nila.

“Aalisin niyo siya o ako ang magre-resign.” Dito, nayabangan ako kay Willie Revillame. But in the end, nakita kong mas matindi pala ang ABS-CBN. Ngayong nasa Kapatid network na si Willie via Willing Willie, pinataob nito ang lahat ng kasabay na news program. Ang bilis din ng pag-imbulog ng Channel 5. Magaling pala talaga si Manny Pangilinan, ano po? Sasandali pa lang niyang nahahawakan ang Singko, natataranta na ang GMA 7 at ABS-CBN.

Pero marami pang magaganda, pangit, masasaya at malulungkot na pangyayaring naganap sa entertainment industry nitong 2010.

Natatandaan ba ninyo ang trahedyang sinapit ni Melody Gersbach nang abangga ng bus ang Toyota Innova na sinasakyan nito sa Bula, Camarines Sur? Namatay siya doon.

Lumabas naman ang kaliwang dibdib ni Anne Curtis habang nagsasayaw at kumalat pa sa internet. Grabeng kahihiyan para sa dalaga at sa kanyang pamila ang nangyari.

Pero syempre, ang pinakahuli ay ang kasalang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na ang gown na ginamit ng bride ay bright red. May tsismis ako tungkol diyan na sa susunod ko na lang isusulat para hindi naman masyadong nega ang simula ng taon ko.

Ay, nakalimutan ko nga pala ang kasal ni Krista Ranillo sa isang Niño yata ang pangalan, at ang whirlwind romance nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa Egypt ba yon? Hindi ko kasi masyadong matandaan dahil hindi naman sikat si Mariel.

And, in connection to this, lumabas na rin ang draft ng biography book ni Manny Pacquiao, na ayon sa reliable sources ay ayaw ipabanggit  ni Jinkee Pacquiao ang pangalan ni Krista dahil sa matinding selos. E kasi naman, balita ko, umabot sa $3-million ang ibinigay sa kanya ni 8-time champion Manny Pacquiao. Ganoon siya kamahal ni Pacman.

Isinilang ni Judy Ann Santos si baby Lucho na syempre, ang tatay ay ang mister niyang si Ryan Agoncillo, na kasalukuyan namang sinuswerte ngayon sa Channel 5. Pati nga si Clara, I mean si Gladys Reyes — nanganak din last month lang (November).

Sa sports, syempre, walang papantay kay Pacman na binugbog ng husto sina Joshua Clottey at Antonio Margarito. Si  Charice Pempengco naman, buong ningning kong inabangan sa famous soap musical na GLEE, at bumili pa ako ng pirated na DVD makita ko lang siya dahil nasira ang TV ko noong araw na lalabas siya, yun pala isang beses lang siya makakasama. Kalokah!

Pumapel din ang National Historic Institute (NHI) at humingi ng apology from international singer Arnel Pineda dahil ibinirit niya ang “Lupang Hinirang,” pero matay ko mang ikumpara sa mga kumakanta ng national anthem ng ibang bansa, iba-iba rin sila ng rendition. Bakit ba lahat na lang yata ng kumakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Pacman — with the exemption of Charice Pempengco — napipintasan ng NHI. Palagan nyo ba, may punto sila? Ako? Hindi ako mapalagay!!!

Sa mga celebrities naman na tumakbo noong eleksyon, syempre, nangunguna sa mga nanalo si Bong Revilla, Jr at Jinggoy Estrada bilang mga senador. Aba, wag kalilimutan ang mayor ng QC na si Herbert Bautista — kahit pa ang usap-usapan ng mga political reporters sa QC, puppet lang si Bistek ng ng Belmonte family. Si Joy Belmonte raw ang nasusunod, o baka naman si ex-mayor Sonny Belmonte na kongresista na ngayon.

Nanalo rin sina Alfred Vargas at Roderick Paulate — hehe, siguro, dahil ibinoto ko sila — na konsehal sa QC District 2. Nanalo ring barangay kagawad ang komedyanteng si Dagul sa Rodriguez, Rizal. Pero amng inaasahang mananalong sina Ara Mina, Mike Defensor at Anjo Yllana, nalaglag.

Nalaglag naman sa kabilang buhay ang mga sumusunod: Palito  (Reynaldo Hipolito) dahil sa sakit sa baga; Red Ford White dahil sa brain cancer; talent manager na si Wyngard Tracy matapos ma-stroke; at Charlie Davao dahil sa colon cancer.

Muntikan na rin si TV host Kim Atienza at William Martinez dahil din sa stroke.

Last month, nagkaroon ng samaan ng loob ang magkaibigang sina Sharon Cuneta at Aga Muhlach dahil nagtampo ang Megastar sa pagtanggi ni Aga na magtambal sila sa pelikula. Nagkairingan din sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes dahil naman kay Rayver Cruz.

Masamang-masama naman ang loob ni Katrina Halili dahil ibinasura ng korte ang demanda niya laban sa ex-boyfriend na si Hayden Kho Jr, pero hindi pa rin daw siya sumusuko.

Pinatulan din ng movie press ang panggagahasa raw ni Patrick dela Rosa sa isang college student habang nasa party sa condominium sa Quezon City. Sabi ni Ate Cristy Fermin, hindi siya naniniwala. Ako, no comment.

Of course, kasama sa movie news ang paglaya ng anak ni Pinky de Leon na kapatid ni Christopher de Leon sa kalaboso, matapos magdesisyon ang Korte Suprema na ibasura ang kaso ng Vizconde massacre, na ang prime suspect naman ay si Hubert Webb na anak ni Freddie Webb. Ang dahilan: reasonable doubt.

Ginahasa naman ang apong special child ni comedy king Dolphy, at pinatay ang kaanak ni Angel Locsin.

Salamat na rin sa mga artistang sumusuporta sa paghanap ng katarungan para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Nakakatawang pati ang mga milyunaryong senador at maging ang mga sikat na artista ay naghangad na manalo sa 6/55 Grand Lotto na nagkakahalaga ng P741 million. Malas lang nila at isang balikbayang senior citizen ang nakakuha nito.

At nang ipahayag ng 36th Metro Manila Film Festival na nanalo si Ai-Ai delas Alas na best actress sa pelikulang “Ang Tanging Ina Mo, Last na ‘to,” naku, umulan ng batikos. Hindi naman kinuwestyon si Dolphy sa pagiging best actor kahit pa ilang eksena ang tinanggal sa ipinanalo niyang pelikulang “Father Jejemon” na binatikos din ng husto ng mga religious groups dahil sa pustisong kumagat sa hostia.

Wala na akong maisip. Sana lang, wala akong nalimutan. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply