Iligal na troso, nasabat sa bahay ng mayor

NAKAKUMPISKA ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bataan ng may 1,000 board feet ng iligal na troso na ibinabiyahe ng walang kaukulang permiso gamit ang isang  government-owned truck at idiniliber sa bahay ng Bagac mayor sa Balanga City kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng DENR sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Ricardo Lazaro, provincial environment and natural resources officer ng DENR, natagpaun din ang isang sawmill sa mismong tapat ng bahay ni Bagac Mayor Ramil del Rosario sa La Katrina Subdivision.

Ani Lazaro, napansin nila ang sawmill na may indikasyon na ang mga troso ay ginamit doon at ang pagtatayo ng bahay ay inilarawan na isang maliit na resort na may swimming pool.

Wala naman aniya si Mayor Del Rosario nang isagawa ang operations ng DENR.

Dahil dito, posible umanong maharap si Del Rosario at ang kanyang mga tauhan ng umano’y paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree 705 ayon pa sa DENR.

Nakumpiska ng mga tauhan ng DENR ang hot lumber matapos buntutan nila ang naturang dump truck na mula sa Bagac simula alas 8:30 ng gabi hanggang makarating ito sa bahay ni Del Rosario. Tumakas ang drayber ng trak.

Ang mga troso na posibleng kinuha sa kagubatan ng Bagac na nasa  western boundary ng Subic Bay Freeport ay may senyales na ito ay pinutol sa pamamagitan ng  chainsaws o lagare, dagdag pa ni Lazaro. Dinala ng DENR ang naturang trak sa loob ng Camp Tolentino, na nasa Balanga City din bago maghating-gabi.

“I directed the operation and I was at the site because [the mayor’s men] won’t give the truck to us,” Lazaro related to give media an idea of how difficult it was to stop illegal logging.

Ayon naman kay Del Rosario, ang mga nakumpiskang troso na dinala sa tapat ng kanyang bahay ay nasabat ng kanyang mga tauhan sa isinagawang anti-illegal logging operations ng municipal government.

“Idinaan muna sa bahay ko para ipakita at saka dadalhin sa Camp Tolentino,” pagtatanggol sa sarili ni Del Rosario, at idinagdag na ang mga nakumpiskang troso ay may mga kasamang police escorts na mula sa Bagac PNP.

Pinagtibay naman ni Senior Supt. Arnold Gunnacao, Bataan police director ang pahayag ni Del Rosario.

“I think this is the handywork of my political opponents or by illegal loggers, illegal fishers or dynamite fishers,” pahayag ni Del Rosario.

Pinasinungalingan din nito na may sawmill siya sa tapat ng kanyang bahay at sinabing ito ay isang “carpentry machine” lamang.

Dalawang oras bago naispatan ang dump truck ng DENR team, iniulat ng Bagac police ang pagdakip sa 2 kalalakihan na naaktuhang nagpuputol ng troso sa Sitio Duhat sa Barangay Saysain. Anila, may  500 board feet ng troso ang nakumpiska sa dalawang suspect. Robert C. Ticzon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply