Ilocos, Quezon, Siargao, niyanig ng lindol

NIYANIG ng lindol ang Ilocos Sur at Quezon, Biyernes, habang nilindol din na may magnitude 2.7 ang Siargao group of islands sa Mindanao, Huwebes ng gabi.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), wala namang napaulat na napansala ng naturang pagyanig ngunit inaasahan umano ang aftershocks.

Batay sa bulletin ng Phivolcs, naitala ang magnitude 3 sa Ilocos Sur, bandang 1:21a.m. nang Biyernes.
Nabatid na ito ay tectonic at natagpuan ang kanyang epicenter sa 49 km northwest ng Vigan, Ilocos Sur.

Naitala naman ang magnitude 2.3 sa Quezon bandang 4:28a.m. na may epicenter sa 6 km southeast ng Infanta, Quezon.

Samantala, niyanig din ng may magnitude na 2.7 ang 40 km northeast ng General Luna sa Siargao, Surigao del Norte bandang   8:41 p.m, Huwebes ng gabi. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply