Ilocos Sur nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude 4 ang Ilocos Sur, madaling-araw ng Lunes ngunit wala namang napaulat na nasaktan.

Batay sas ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig bandang 1:00 a.m. na may tectonic origin.

Batay pa sa kanilang bulletin, sinabi ng  Phivolcs na natagpuan ang epicenter nito  sa 19 kilometers northwest ng Vigan, Ilocos Sur.

Hindi naman agarang nalaman ng Phivolcs kung saang lugar naramdaman ang pagyanig.

Wala ring aftershock at pagkasira ang napaulat. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply