Iloilo sunud-sunod ang paglindol

ILANG araw nang nakararanas ng sunud-sunod na pagyanig ang bayan ng Bingawan, Iloilo at sa kalapit na lugar nito, ayon sa Philippine Institute and Volcanology and Seismology (Philvocs).

Batay sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ramil Atando ng Phivolcs- Roxas, isang earthquake swarm ang nagaganap ngayon sa naturang bayan.

Nabatid kay Atando na may isang lugar ang nakararanas ng sunud-sunod na pagyanig na hindi naman kalakasan.

Naitala ang unang pagyanig noong Enero 27 na naulit pa nang sumunod na mga araw kung saan  magnitude 3.1 ang tumama kahapon sa lugar na sinundan naman ng dalawang aftershocks.

Dahil dito, magpapadala ng tauhan ngayong araw ang central office ng Phivolcs sa Bingawan para pag-aralan ang dahilan ng mga pagyanig.

Ang naturang bayan ay malapit lamang sa West Panay fault kaya normal ang mga pagyanig sa naturang lugar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply