Imbestigasyon sa bus bombing madaliin

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na madaliin ngunit masusing imbestigahan ang bus bombing sa Makati City na ikinamatay ng limang katao.

Sama-sama aniyang kinokondena ng buong Kamara ang naganap na pambobomba na aniya’y banta sa kapayapaan ng bansa.

Kasabay nito ay nagbigay ng katiyakan si Belmonte sa publiko na agad aaksyunan ng mga mambabatas ang mga panukalang nagsusulong sa pagpapatatag ng seguridad ng bansa.

Kasabay nito ay ipinaabot din ni Belmonte ang pakikiramay ng buong Kamara de Representantes sa pamilya ng mga namatay sa naturang bus bombing. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply