Imbestigasyon sa Edsa bus bombing bilisan

KAILANGAN idaan sa mabusisi at mabilis na pag-iimbestiga ang madugong pagsabog ng isang pampasaherong bus sa Makati kung saan lima katao ang namatay at marami pang nasugatan.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ito umano ang dapat gawin ng awtoridad  kung kagagawan man ng terorista o hindi ang malagim na pangyayari.

Tinukoy din ni de Lima na kinakailangang matukoy at mapanagot ang sinumang may kagagawan sa insidente.

Naniniwala ang kalihim na anumang grupo ang nasa likod ng nasabing insidente ng karahasan, malinaw na layon nilang lumikha ng kaguluhan sa harap ng bugso ng mga krimen na nagaganap sa bansa.

Kaugnay nito, masusi na rin umanong nakamatyag ang Embahada ng Estados Unidos sa naganap na pagsabog ayon kay Rebecca Thompson, tagapagsalita ng US embassy sa Maynila.

Sa isang mensahe sa text, sinabi ni Thompson na ipinaaabot niya ang pakikidalamhati sa mga biktima sa madugong pagsabog.

Nilinaw naman ni Thompson na nananatili pa rin ang travel warning ng US State Department sa Pilipinas.

Matatandaan na nuong Nobyembre ng nakalipas na taon, nagpalabas ang gobyerno ng Amerika ng travel warning sa Pilipinas dahil sa banta ng terorismo. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply