Imbestigasyon sa pagkamatay ni Tenerepe, pinaubaya sa NBI

Pamilya ni Ex-NBI Deputy Dir. Tenerepe, inauubaya ang imbestigasyo sa NBI

PINAUUBAYA na ng pamilya ni Ex-NBI Deputy Dir. Alejandro Tenerepe ang imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa pagkamatay nito.

Bagaman sinasabing nagpakamatay si Tenerepe, 69, pinauubaya na ng anak na si Alex Tenerepe, sa NBI  ang imbestigasyon kung may foul play sa pagkamatay ng ama.

Unang inihayag ni Muntinlupa police chief Supt. Ely Matang na natagpuan na lamang ng kaniyang kasambahay na si Jane Barias si Tenerepe sa silid nito na may tama ng bala sa ulo.

Ayon naman sa pulisya, natagpuan nila sa silid ni Tenerepe ang isang suicide note na nagsasabing nagpakamatay ang opisyal dahil sa iniindang sakit ngunit hindi naman nakasaad kung ano ang karamdaman nito.

Nabatid na naganap ang insidente, na tanging kasambahay lang ang kasama ni Tenerepe sa tahanan nito.

Ang misis ni Tenerepe ay nasa ibang bansa habang umalis din ng bahay ang anak nitong si Alex.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply