Impeachment vs Merceditas Gutierrez, ipinareresolba na sa SC

NANAWAGAN sina dating Akbayan Representative Risa Hontiveros at Retired Brigadier General Danilo Lim sa Korte Suprema na resolbahin na ang kaso kaugnay ng pagpapatalsik kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Iyan ay sa inihain nilang urgent motion to resolve sa Korte Suprema, kasama sina University of the Philippines Law Professor Ibarra Gutierrez the third, at Felipe Pestano na mga magulang ng pinaslang na si Philippine Navy Ensign Andrew Pestano.

Hiniling din nila na bawiin na ang status quo ante order na pumipigil sa pag-usad ng impeachment proceedings sa Kamara laban kay Gutierrez.

Ayon kay Hontiveros, isa sa pangunahing complainant sa unang  impeachment case laban kay Gutierrez, ang mabagal na paglutas ng Korte Suprema sa nasabing isyu ay nagsisilbing tinik sa kampanya ng administrasyon kontra katiwalian.

Sa ilalim umano ng patakaran, mayroong 60 session days ang House Committee on Justice para tapusin ang pagdinig sa impeacbment case at iulat sa Kongreso ang kanilang findings at rekomendasyon.

Pero umaabot na sa 171 days o halos anim na buwan ang nakararaan mula nang ihain ang unang impeachment complaint sa Kamara noong ika-22 ng Hulyo, 2010.

Si Gutierrez ay inaakusahan ng betrayal of public trust at culpable violation of the constitution. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply