Indie Films ang sasalo sa local movie industry

MARIING sinabi ni Mon Confiado na ang sasalo sa industriyang pelikula sa bansa ay ang mga “indie films.”

Ang mga indie film ay ginagawa ng mga “independent producers,” o ‘yong mga producers na walang sariling studio o kaya hindi namumuhunan ng malaki na umaabot ng P5 milyon pataas. Tama na sa kanila ang P1 milyon kada pelikula.

Sabi pa nga sa akin ng isang director ay sobra na nga ang P1milyon. Halos buwan-buwan siya na gumagawa ng pelikula.

Matipid na nga ang paggawa ng indie film, at maraming

nagkakaroon ng trabaho kahit papano. Mura lang ang talent fees para sa production staff at sa mga artista na hindi pa nakikila ng husto. “Kailangan lang naming ang exposure,” ikinatuwiran ang mga ilan “indie” artists na nakausap namin.

Kung minsan, mayroon din batikan na mga artista na lumalabas sa indie at tinatanggap din nila ang panggasolinang talent fee. “Para makatulong lang,” sabi nila.

“Pinagtutulungan naming talaga ang isang indie film,” sabi ni Mon Confiado. Siya sa mga indie actor na very much in-demand, at halos walang pahingang araw si Mon. Sunud-sunod ang linalabasan niyang indie movie at halos lahat ng mga ito ay napanood natin.

Nagkaroon lang ng masamang impresyon tungkol sa mga indie films. Sa brutal na pananalita, “binaboy” ng mga director ang mga ginawa nilang pelikula. Mga brutal na pagtatalik ng lalaki sa lalaki, sobrang malalaswa, mas masahol pa kaysa tunay na lalaki at babae!

Kaya pag narinig na indie film, “ay wala ‘yon,” ang obserbasyon kaagad. “Kababuyan lang!” Kaya walang gustong manood maliban lang sa mga may “maruming” pag-iisip o gustong magparaos!

Ngunit sa ngayon, malaki na ang pagbabago ng indie films, matino na ang mga iba at cause-oriented pa.

Kung tuloy-tuloy na ito, ang indie films ay ang talagang sasalo sa naghihingalo nang local movie industry!

Pag indie film ang pinag-uusapan, ito ay ang paggamit ng digital camera. Kaya mura lang ang gastos sa produksyon. Kaya tawagin na lang natin sana ng “digital film” para tuluyang mabura ang masamang impresyon tungkol sa mga indie films.

“The future of the film industry is digital,” ‘yan ang sinabi ni Steven Spielberg, isa sa pinaka-tanyag na direktor ng pelikula sa buong mundo!

Karaniwan na 35mm ang negatibo na ginagamit sa produksyon at magastos ito, at kung wala kang capital na P10 milyon, ay hindi ka makagawa ng low budget movie. Dati, umaabot ng 150 movies (nagawa sa 35mm) ang taon-taon na produksiyon sa bansa, hanggang sa 12 na lang, kasama ang mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang MMFF ay naging exclusive club ng mga malalaking produksyon sa bansa, kaya nga sila lang ang nakikinabang at hindi kasama ang mga independent producers o mababa lang ang puhunan. Sabi ng isang observer na ang MMFF “does not represent the movie industry as a whole, but only for – and exclusively – the six or eight producers  who, year in and year out, dominate the MMFF.”

“KAOS” DOMINADO NG MGA ARTISTANG PINOY

Kasalukuyang ipinapalabas sa Resort World Hotel ang engrandeng musical na “Kaos” na may international cast, ngunit mga artistang Pilipino ang mga pangunahing bida! Mga isang daan ang mga artista ang gumaganap sa produksyon na ito na galling sa mga ibat-ibang bansa!

Sila Gwen Magdangal  (singer and theater actor), Martha Joy (Filipino-Canadian) at Joel Trinidad ay ang mga lead stars ng “Kaos,” unang produksyon ng Resort World Hotel.

Ang white Lion na si Kaos (live) ang sentro ng musical concert, at puwede pang magparetrato na kasama siya pagkatapos ng show. Nardz Belen

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply