Isa pang testigo sa Lozano case lumutang

LUMUTANG ang isang testigo kaugnay sa kaso sa pagpatay sa anak ni Atty. Oliver Lozano, umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Atty. Lozano, lumitaw sa St. Peter Crematorium, umaga ng Miyerkules, ang isang testigo na hindi pinangalanan, na may alam umano sa nangyaring pamamaslang kay Emerson Lozano at driver nitong si Hernani Sensil.

Nabatid na ito na ang ikatlong nagpakilalang testigo na nakipag-ugnayan kay Lozano para magbigay ng impormasyon sa krimen.

Kaugnay nito, nananawagan si Lozano sa kaanak ng mga suspek na ilitaw na ang mga ito sa kinauukulan upang agad na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak.

Diin pa ni Lozano, lumiliit na ang mundo ng mga suspek sa pagpatay sa kaniyang anak dahil matindi na ang ginagawang aksyon ng mga awtoridad at mga  concerned citizen para sa ikalulutas ng kaso. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply