Isetann pinaiimbestigahan sa DOLE

PINAIIMBESTIGAHAN ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang umano’y natuklasan niyang mga paglabag sa batas paggawa ng Isetann Department Store laban sa mga empleado nito.

Sa kaniyang liham kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, ipinarating ng kongresista ang personal na reklamo ng isang Carolina Prudenciado ng 247 McArthur Street, Veterans Village, Pasong Tamo, Quezon City matapos itong umano’y iligal na tinanggal bilang saleslady sa kabila ng 27 taon nitong ipinaglingkod sa naturang kompanya.

Sa sumbong ni Prudenciano, siya ay sapilitang pinagsumite ng resignation letter noong November 30, 2010 dahil sa nakabinbin umano nitong termination na may petsang October 2010 na inisyu ng President at CEO ng Isetann na si John Gobenghuy.

Dalawang araw umano bago ang nakatakdang resignation, isang kinatawan ng Isetann ang nakipagkita kay Prudenciado sa Jollibee C.M. Recto kung saan ipinarating sa kaniya ang desisyon ni Gobenghuy na huwag ng ibigay ang kaniyang separation pay na nakapaloob sa Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng Isetann at unyon ng kmpanya.

Sa halip ay inalok si Prudenciado ng P80,000 bilang “financial assistance,” at tanggapin niya o hindi ang nasabing halaga ay tuloy pa rin ang pag-iisyu ng termination sa kaniya.

Hindi tinanggap ng 46- taong gulang na si Prudenciado sa paniwalang mas malaki ang dapat niyang matanggap dahil sa tagal ng ipinaglingkod sa Isetann.

Binanggit pa ni Casino sa kaniyang liham kay Baldoz na “it is apparent that Isetann management forced its employee Prudenciado to resign to avoid paying separation benefits to her as mandated by law. This patently illegal and abusive form of dismissal should not be allowed. I appeal to you to help facilitate Ms. Prudenciado’s rightful demand for employment separation benefits from Isetann.” Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply