Isyu ng landmines, nais talakayin sa peace talks

NAIS talakayin ng Philippine government ang di umano’y paggamit ng mga rebeldeng komunista ng anti-personnel landmines na matagal nang ipinagbabawal ng United Nations.

Iniulat ng Philippines News Agency nitong Linggo, Enero 2, na ito ang isa mga isyung nais na maging paksa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa muling pagpasok nito sa peace negotiations sa mga rebelde ngayong taon.

Ayon sa gobyerno, isang denoted landmine ang ginamit ng New People’s Army sa isang engkwento nito sa Las Navas, Samar noong nakaraang Disyembre 16 na naging dahilan ng pagkamatay ng 10 sundalo at isang siyam na taong gulang na lalaki.

Ang anti-personnel landmine ay isang uri ng indiscriminate explosive weapon na kadalsang ibinabaon sa lupa upang hindi ito makita ng mga taong pupuntiryahin ng pasabog.

Madalas na kahit inosenteng sibilyan na di bahagi ng mga pwersang nag-aaway ay nagiging biktima ng landmine kung madaan sila sa lugar kung saan ibinaon ang pasabog at aksidente nila itong matapakan at ma-detonate.

Ang paggamit ng anti-personnel landmines ay ipinagbawal simula 1997 sa pamamagitan ng Convention on the Prohibition of the Use, Stockpiling, Production and Transfer of Anti-Personnel Landmines and on Their Destruction.

Kilala din sa tawag na Ottawa Treaty ang nasabing kasunduan. Isa ang Pilipinas sa mga bansang lumagda sa kasunduan noong December 3, 1997 at niratipika ito ng Philippine government noong February 15, 2000.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply