Isyu ng toll hikes ipapasa sa PNoy economic team

PUPULUNGIN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Huwebes, Enero 6, 2011, ang kanyang economic team upang talakayin ang epekto ng pagtataas ng singil sa mga tollway.

Pag-uusapan ng Gabinete kung paano maiibsan ang pasanin ng mga mamamayan dulot ng toll hike sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Skyway, ayon kay Communications Secretary Ricky Carandang.

Ayon kay Carandang, bagama’t wala na silang magagawa para pigilan ang mga nasabing pagtataas, nais pa rin ng gobyerno na matulungan ang mga mahihirap na consumer.

“I’m sure nag-uusap-usap na ‘yang mga ‘yan kung papaano natin magagawa ito sa paraan na hindi masyadong mahihirapan ang mga taong-bayan,” ayon kay Carandang.

Bukod dito, humihirit ang mga nasa sektor ng transportasyon na magtaas ng pamasahe para makabawi sa nasabing toll increase.

“There’s also a rate that was approved late last year on the taxi rates,” ani Carandang. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply