Iwa Moto, pang-kontrabida na lang talaga

SA mga offbeat role talaga siya umasenso bilang artsita dahil nga ‘yung features niya ay sadyang para lang sa ganyan. Sa tunay na buhay kaya, kontrabida rin si Iwa?

“Ayoko ko pong sagutin, yung mga taong nakakikilala sa akin, sa labas ng showbiz, aty kahit dito mismo sa showbiz ang magsasabi ng mga bagay sa akin. Kung ako ang magsasalita, baka naman lumabas na pinupuri ko ang sarili ko,” malumanay na paliwanag ni Iwa.

At kung bakit naman lagi na lang iniintriga si Iwa. Kesyo durugista, lasengga, lalakero at kung ani-anik pa.  “Tinatawanan ko na lang po yan. Di naman kasi true.”

More than six months hindi gumawa ng TV show si Iwa Moto dahil sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo at kalusugan.

Muling inurirat kay Iwa ang tunay na ang rason umano ng pag-lie low niya sa showbiz ay dahil nagpakasal siya at nagbuntis.

“Hindi pa ba sila nagsasawa sa isyu na ’yan? Three times na akong nababalitang ikinasal tapos five years na akong nababalitang may anak. Aba, sana may five-year-old na anak na ako ngayon, ’di ba? Patunayan nila kung nagkaanak at nagpakasal na ako,” paghahamon pa ng sexy star.

Sa pagpasok ng 2011, handang-handa na raw siyang sumabak ulit sa mga teleserye kaya isinama siya sa Dwarfina ng GMA7.

As usual, kontrabida ang role ni Iwa sa bagong telefantasya ng Kapuso Network at ang Dwarfina ang second time niyang magkokontrabida kay Heart Evangelista.

“Na-miss ko si Heart kasi ang bait-bait niyang tao talaga. Kapag kausap mo siya, parang positive ng lahat. Maganda ang energy niya. Nakakahawa ang pagiging masayahin niya kaya gusto ko siyang katrabaho,” say ni Iwa sa presscon ng Dwarfina.

Ang last TV series na ginawa ni Iwa ay ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Nagkaroon lang siya ng guest appearance sa Pilyang Kerubin at Beauty Queen. Tsika pa ni Iwa, marami siyang inayos sa buhay kaya nag-beg off muna sa mga show.

Lalong sumeksi si Iwa na medyo nangayayat kaya hindi totoo ang intriga na dahil daw sa nagda-drugs siya.

“Apat na wisdom tooth ang pinabunot ko dahil impacted sila. Kaya grabe ang ipinayat ko kasi hindi ako makakain ng tama at nagkasakit pa ako pagkatapos ng magpabunot.

“Then ’yung business namin ng boyfriend ko, medyo nagkaproblema financially. Hindi naman kami nalugi pero kailangan tutukan ko nang husto. Kaya doon lahat naka-focus ang energy ko sa business, kasi ayokong mawala ang pinaglagyan ko ng kinita sa showbiz.

“Ngayon unti-unti na kaming nakakabawi. Pero kailangan pa ring tutukan ko parati. Kaya this year lang ako nakatanggap ng show kasi nababawasan na ang mga negative energies ko sa katawan,” tsika ni Iwa. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply