Janitor ng PUP, nahulog sa hagdan tigok

PATAY ang isang maintenance employee ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), matapos mabagok nang mahulog sa hagdan ng tinutuluyang boarding house dahil sa kalasingan sa Sta. Mesa, Maynila, Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang biktima na si Alvin Naga, 45, ng 4500 Valenzuela st., Sta. Mesa.

Base sa report ni PO3 Giovanni Valera ng MPD-homicide section, ,dakong 12:53 a.m. nang maganap ang insidente sa tinutuluyang boarding house ng biktima sa 3rd floor ng No.l 4500 Valenzuela st., Sta. Mesa Maynila.

Ayon kay Valera, nakita umano ni Ferdinand Enbate, kasamahan ng biktima na nakadapa na sa sementadong sahig at bumubulwak ang dugo sa ulo.

Ilang kasamahan naman ni Naga sa bahay ang nagsasabing maaaring dala ng labis na kalasingan kaya nahulog ang biktima sa ikatlong palapag ng nasabing boarding house. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply