Janitor todas sa pagpagana ng pagkain

PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang 20-anyos na janitor makaraan umanong uminom ng gamot na pampagana sa pagkain, madaling-araw ng Huwebes sa Tinijeros,  sa Malabon City .

Dead-on-arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon ang biktima na si Jay-R Latumba 20, ng 101 Sanchez St . , Brgy., Tenejeros, nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong 5:00 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima.

Ayon kay Lorna, 30, kapatid ng biktima, nagising siya makaraang marinig nito na umuungol ang kanyang kapatid sa hinihigaan nito at nang puntahan ni Lorna ang higaan ng lalaki ay laking gulat nito nang madatnan ang kapatid na namimilipit sa sakit ng tiyan.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Lorna sa kanilang kasambahay at dali-daling dinala ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, isang bote ng Chinese medicine na walang laman ang nakita sa higaan ng biktima kung saan napag-alaman sa kapatid nito na pampagana sa pagkain ang ininom  ni Jay-R.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad at inaalam kung may nangyaring foul play sa nasabing pagkamatay. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply