Jennylyn Mercado, dismayado sa judge na nagpawalang-bisa sa kaso nya sa dating PA

MATINDING dismaya ang nararamdaman ngayon ng kampo ni Jennylyn Mercado sa lumabas na desisyon tungkol sa kasong qualified theft na isinampa ng aktres laban sa dati niyang PA na si Rowena “Mel” Pulmano.

Sa naturang desisyon ni Judge Vivencio S. Baclig ay ina-acquit niya si Pulmano sa nasabing kaso.

“Today, Judge Vivencio S. Baclig acquitted Rowena “Mel” Pulmano of qualified theft. He chose not to give import to the testimony of the expert witness who proved that the signatures in Jennylyn’s checks were all forgeries.

“He also simply dismissed the fact that Mel Pulmano deposited at least 2 forged checks to her own account.

“In justifying his decision, he said: Although the court is not certain as to her innocence, it is also not certain as to her guilt, hence, it is its duty to acquit her.

“At the moment, Mel Pulmano faces 2 other criminal cases, one of which is non-bailable.

“Jennylyn and Becky will continue to relentlessly pursue the same as Mel should not be given a chance to make anyone suffer the same fate thay they had,” ang official statement ng abogado ni Jen na si Atty. Jojit Alonzo.

Ayon pa sa lady lawyer ay hindi na sila pwedeng mag-appeal pa dahil sa principle of double jeopardy.

Ano ang reaction niya at opinyon sa naging desisyon ng korte?

“I feel sad for Jen because justice was not served her. Just because Mel was acquitted does not mean she did not commit the crime. We presented all available evidence including bank personnel who testified having given Mel the checks of Jen. But the judge chose to close his eyes on the evidence presented and limited himself to one point: no one saw Mel forge Jen’s signatures on the checks. May he (the judge) enjoy his retirement,” malamang sabi ni Atty. Joji.

Kahit na-acquit si Mel sa nasabing kaso, ayon sa abogado ay hindi pa rin daw pwede itong lumabas sa kulungan dahil may dalawa pa itong kasong hinaharap – isang estafa case and a qualified theft which is non-bailable.

“These are totally separate and distinct from Jen’s case. So she will stay in jail,” pahayag pa ng legal counsel ni Jen.

Nalulungkot din ang manager ni Jen na si Becky Aguila sa desisyon at kinukuwestiyon niya ang judge sa ginawang pagbasura sa testimonya ng expert witness.

“Mas binigyan pa niya ng timbang ang kawalan ng saksi sa pagpirma ng forged signatures ni Jen. Kelan ba naman nangyari na nagpahuli ang criminal? Alangan namang ipakita pa niya sa iba ang pag-forge ng signatures ni Jen.

“Dismayado kami sa naging desisyon ng presiding judge pero hindi kami titigil hanggang hindi namin nakakamit ang hustisya para hindi na makapaminsala pa kahit kelan si Rowena Pulmano,” pahayag naman ni tita Becky.

RICHARD,  PASSIONATE ANG KISSING SCENE KAY SOLENN

APAT ang leading ladies ni Richard Gutierrez sa kanyang Valentine movie na “My Valentine Girls’ na palabas na sa February 9. Trailer pa lang, maganda at nakakaaliw.

Tinanong kung saan siya mas nag-enjoy kina  Rhian Ramos, Solenn Heusaff, Lovi Poe at Eugene Domingo.

“Nakakaaliw yung movie.  Very excited ako sa movie,” bungad ni Chard.

Birthday wish ng guwapong aktor na maging successful ang Valentine movie niya at magustuhan ng mga manonood.

“Bawat episode masaya, bawat episode iba,” sambit pa ni  Chard.

Pinakamatagal na  kissing scene na kinunan ay kina Richard at Solenn. “Masasabi ko talaga sa amin ni Solenn, very passionate. ‘Yung kay Uge take one,” tumatawa pa niyang kuwento.

Kumportable raw sila ni Solenn, parang natatawa lang sila at masaya. Ano ang lasa? “Anong lasa? Hindi ko mai-imagine, parang serial yung kissing scene. Each day may ka-kissing scene na iba-ibang babae,” aniya.

Pero buong ningning ding sinabi ng actor na happy siya ngayon kahit single.
‘Yun na!

-0o0-

Balik teleserye ngayon si Sen. Freddie Webb after ng mahigit na 15 years na nakakulong ang kanyang anak na si Hubert.

Apat na araw na siyang nakakapag-taping ng ‘Babaeng Hampaslupa’ ng TV5 na magsisimula sa February 7.

“Pag natapos kami ng alas-kuwatro. Sira na ang araw mo sa susunod. The next day taping na naman,” sey niya.

Ano ang role niya sa ‘Babaeng Hampaslupa’?

“Ako ‘yung head ng Wong Family. Gagampanan ko ang karakter ni George Wong,” aniya. Kaaway raw niya sa serye si Susan Roces. Panoorin na lang daw kung ano ang punot-dulo ng pagakakinitan nila na magsisimula sa February 7.

Tinanong din si Senator Webb kung payag siya na isadula ng ‘ Star Confessions’ ng TV 5 na si ‘Nay Cristy Fermin ang host?

“ Basta sinabi ni nanay Cristy.Hahaha,” mabilis niyang sagot.

Inamin ni Senator Webb na dalawa na kumakausap sa kanya na isapelikula ito. Pero mas gusto niya na isalibro ang buhay nila kesa isapelikula raw ito.

Tinanong din si Senator Webb at  ang kanyang anak na si Fritz kung ano ang real score ngayon kina Edu Manzano at Pinky Webb.

Friends na lang daw ang dalawa at talagang break na.

Klinaro din niya  ang isyung may kinalaman si Kris Aquino kaya in-open ni P-Noy ang kaso ng Vizconde Massacre.

“Dahil ba schoolmates sila ni Pinky? Hindi sila close friends. If you recall, sa pelikulang ‘Vizconde Massacre, si Kris pa nga ang gumanap na Carmela,” tugon niya.

Tinanong din kung galit siya kay Direk Carlo Caparas sa paggawa ng pelikulang Vizconde Massacre?

“Wala. Pag pinanood mo, he never pinpointed na si Hubert ang gumawa nun. Tinuro niya construction worker kaya nga gusto niyang gawin ulit ‘yung movie. Since the start, he does not believe na may kasalanan si Hubert. Marami siyang sinasabi sa akin na stories na sa tingin niya ay gumawa sa Vizconde Massacre,” pahayag pa ni Senator Webb. Roldan Castro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply