Jennylyn nasaktan sa desisyon ng jurors sa MMFF

SA ISANG opisyal na pananalita noong Sabado, sinabi ni Bong Sta. Maria, executive producer ng  “Rosario,” na hindi niya kinukuwestiyon ang mga nanalo sa 36th Metro Manila Film Festival (MMFF), ngunit nagtataka siya kung bakit hindi nominado si Jennylyn Mercado, lead actress, sa pelikulang “Rosario.”

Ano kaya ang nangyari? Noong tinanggap ni Ai Ai delas Alas ang “Best Actress” trophy para sa pelikulang “Ang Tanging Ina Mo Rin, Last Na Ito,” binanggit niya na si Jennylyn Mercado ang kanyang closest rival. Idinagdag pa niya, sa aming pagdinig, na tinawagan daw siya ni Charo (Santos) na siya (Ai Ai delas Alas) ang nanalo bilang “Best Actress!”

Paano kaya nalaman ni Charo Santos ang desisyon ng 36th MMFF jurors eh doon lang sa entablado binuksan ang nakaselyadong sobre  kung saan nakasiksik ang desisyon ng mga hurado? Miyembro ba si Charo Santos sa board of jurors?

Balita namin na may mga ilan na miyembro ng 36th MMFF Executive Committee na naging hurado. Sa pagtingin natin po ay unethical ito at immoral pa. Ang ExeCom po ay magpapatakbo, run and manage, ang film festval. Ang mga hurado ay dapat galing sa labas ng ExeCom para mga ito’y ay may sariling “unquestionable independence of mind” sa kani-kanilang paghusga at pagpili kung sino ang mga mananalo!

Mayroon kasing cash honorarium para sa mga hurado, na hindi bababa sa P1,000.00 bawat pelikula na panonoorin nila. Sayang nga naman!

Sa opisyal na pananalita na ipinalabas din no’ng Sabado sa isang presscon, sinabi ni Jennylyn Mercado: “Nagugulat po ako sa lahat ng issues na lumabas pagkatapos ng (36th) MMFF awards at marami pong nagtatanong sa akin kung anong nararamdaman ko.

“Noong ginawa ko po ang pelikula, ibinigay ko lahat ang makakaya ko hindi dahil lang sa gusto kong manalo ng award. Pero magpapaka-totoo lang po ako na kahit papano, gusto ko rin ma-recognize kung ano yung nagawa ko.

“Nasaktan po ako sa nangyari pero kung hindi man po ako nakapasa sa panlasa ng mga jurors, tinatanggap ko po iyon. There’s always a next time at mas lalo ko pa pong pagbubutihan sa susunod. I know that this will make me more mature as a person and as an actress. I sincerely accept what happened, and in time, makakalimutan ko din po ito!”

Kahanga-hanga talaga ang attitude ni Jennylyn, walang masamang loob o galit sa mga jurado na tinagurian “bobo” ng isang kolumnista.

“I realized,” itinuloy ni Jennylyn, “that the appreciation which the people gave the movie is already rewarding in itself. I am really grateful to those people who supported me and the movie.

Nagpapasalamat din ako kay Ms Ai Ai sa kanyang sinabi. Na-touch ako sa kanya!”

Buong puso din na nagpasalamat si Jennylyn kay Sir Manny V. Pangilinan na pumili sa kanya para gaganap ng papel ni Rosario. Ipinagmalaki din niya ang director Albert Martinez na hindi rin nominado.

“This will be my first and last statement regarding the (36th) MMFF awards,” panghuling sinabi ni Jennylyn sa kanyang written and official statement!

Nanalo ang Rosario ng 2nd Best Picture, Best Cinematography, Best Editing at Best Production Design.

Pahabol: Naging hurado din po tayo noon sa MMFF. Bawat hurado ay isusulat niya ang kanyang rating sa bawat kategorya ng award, at ito ay ilagay sa brown envelope, lagyan ng seal ng auditor at pagkatapos ay pirmahan niya ang sobre, ganon din ang hurado. Gagawin ang tabulation minutes before the awards night, na walang ibang saksi kundi ang mga hurado lang at ang auditor.

Kung pinag-usapan ang mga pelikula bago ilagay ang rating, doon na nagkalitse-litse! Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply