Jewel Mische, Kapamilya na talaga!

SINISIMULAN nang i-hype ng ABS-CBN ang bagong transferee na si Jewel Mische na matatandaang mula sa Kapuso ay lumipat sa Kapamilya network nitong nakaraang Disyembre lang.

Napanood na last Saturday si Jewel sa Maalaala Mo Kaya with Baron Geisler at last Sunday naman, nag-guest siya sa The Buzz.

Sinisimulan na rin ang promo ng first teleserye niya sa network kung saan ay makakapareha niya si Gerald Anderson and we’d say na napakasuwerte ng young actress na siya ang napiling maging kapalit ni Kim Chiu bilang ka-loveteam ng young actor.

Agree naman ang young actress na talagang napakalaking bagay nito para sa kanya.

“Wow. It’s a big thing. Gerald is Gerald. Ang gusto ko lamang po ay mag-umpisa sa career ko. Hindi ko naman inasahan na mag-uumpisa ako with such a big bang. It’s a gift,” pahayag ni Jewel sa The Buzz.

Ang paglipat daw niya ay isang bagay na talagang pinag-isipan niya nang husto.

“Nagbuhos ako ng oras, pinag-isipan kong mabuti kung ano ang dapat na hakbang, ang gagawin. Nagdaan ako sa proseso ng pananalangin at gusto ko talagang magsimula.”

Tungkol naman sa issue na maaring anihin din niya ang galit ng mga Kimerald, ayon kay Jewel, umaaasa siyang maiintindihan siya ng fans nina Kim at Gerald.

“I was able to reach out by giving a message to them through an interview. Sinabi ko po na sana maintindihan nila kasi po nagtatrabaho lamang ako and unawain na lang po nila at tanggapin.

“Parang tulong na lang po nila sa akin dahil nagsisimula po ako and it’s 2011 now and tulong na lang po talaga nila sa akin. At napakabuti po at napakabait nina Gerald and Kim,” pahayag pa ni Jewel.

URBAN BEHAVIOR, GUMIGIMIK

TODO talaga ng revitalized campaign ng URBAN BEHAVIOR. The campaign is made possible by the owner, Renato Yu, a season Chinese businessman whose family has been lording it sa department’s store trade biz.

This year, magkakaroon po sila ng mga modelong endorsers which they will discover through beauty and fashion competition.

Meanwhile, larga po ang kanilang oultets sa mga sales promotion gimmicks and if you like to have a taste of their trade, visit their stores, bale dalawa po ito, Urban 1 and Urban 2, both located along the downtown area of Rizal Avenue in Sta. Cruz, Manila. Try for yourself kung gaano ang kalidad at kamurahan ng kanilang mga produkto. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply