Joel Lamangan may death threats

MAY NAKAPAGSABI sa atin na inside sources sa produksyon ng “Deadline” kamakailan na mula nang inumpisahan ni Direk Joel Lamangan ang pelikula, ay nakakatanggap na siya ng ilang death threats na idinaan sa text messages!

Batay sa isang karumal-dumal na masaker sa Mindanao ang “Deadline,” kaya puwedeng isa sa dalawang nag-aaway na angkan ang pinanggalingan ng mga death threats!

Ibinalita rin ng ating inside source na ilan na raw na sequences ng pelikula ang binago ni Direk Lamangan para hindi masaktan ng damdamin kung sino man sa dalawang nag-aaway na angkan. Masyadong sensitibo kasi ang laman ng pelikula!

Kasama si Lovi Poe sa pelikula, bilang isang reporter.

Sa bagay, kilala si Direk Joel Lamangan sa paggawa ng sobrang sensibong pelikula katulad ng “Dukot” na umani para sa kanya ng “Best Director Award” mula sa mga ibat-ibang festivals sa ibang bansa!

WALA PA AKONG LOVE LIFE – SARAH GERONIMO

Pinanindigan ni Sarah Geronimo sa presscon niya nong Biyernes na wala pa siyang lovelife kundi lang ang kanyang trabaho! “Totoo po, talagang wala akong lovelife!” idiniin niya at walang napiga sa kanya ng press.

“Trabaho lang po,” inulit niya at sinundan ng malakas at masayang pagtawa! Ngunit pahabol ni Sarah na kung sino man gustong lumigaw sa kanya, “dapat marunong siyang makipag-usap sa parents ko!”

Sa unang pagkakataon, magkasama si Sarah at Martin Nievara sa kanilang Valentine concert, “What Love Is,” sa February 12, 2011 sa Araneta Coliseum.

“Batikan nang mang-aawit si Sarah,” paghanga ni Martin sa 23-anyos na singing sensation. “She is like an old soul!”

“Tutuo,” sabi ni Sarah. “I am an old soul, dahil gustong-gusto ko yong mga bagay na pang-matagalan!”

Ang isang kanta ni Sarah na nagpasikat sa kanya ay ang “Forever’s Is Not Enough.”

Sa unang meeting ni Martin kay Sarah tungkol sa kanilang concert, agad na magaan ang kanyang feelings kay Sarah. Ilan sa mga sikat ni Martin ang aawitin din Sarah.

Maturuan kaya ni Martin si Sarah tungkol sa pag-ibig? O maturuan din kaya ni Sarah si Martin para umawit ng mga bagong kanta?

Malalaman natin ito sa “What Love Is.”

SARAH GERONIMO – MUSIC VIDEO COLLECTION

Bagong labas ito, 23-track music video na parang kasaysayan ang pag-usbong ni Sarah bilang mang-aawit. Kasama sa album ang mga big hits ni Sarah, katulad ng “To Love You More” at “Forever’s Is Not Enough.” Kasama din ang “I Still Believe In Loving You” at “How Could You Say You Love Me.”

Kaibang-iba rin ang photography sa video, na may mga OPM katulad ng “Sa Iyo,” “Paano Kita Mapapasalamatan.” Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply