John Estrada balik ABS-CBN

ANG seksi at young star na si Erich Gonzales ay hindi maluhong tao. Anuman ang natatanggap niyang blessing ay kanyang iniipon kaysa gastusin. Tulad ng bagong ini-endorse niyang cosmetic brand na Careline. Super ingat siya sa kinikita niya dahil marami siyang gustong paglaanan nito.

“Pangarap ko po magkaroon ng malaking bahay. Paunti-unti po muna ang mga ginagawa ko. Ayoko namang madaliin ang lahat. Basta may ipon po ako, kampante ako. Alam ko kung saan napupunta ang mga kinikita ko,” say ni Erich.

Kahit na sa personal niyang gamit ay hindi brand conscious si Erich. Hindi siya nakikipag-compete sa pabonggahan at pamahalan ng bag o sapatos.

“Ganoon po ako kaingat talaga. Ayokong mag-splurge sa isang bag na ang halaga ay pang-downpayment sa isang kotse.

Parang hindi praktikal, di ba? Ganundin sa sapatos. Hindi ako gagastos sa isang pair of shoes na ang halaga ay worth ng dalawang buwan na grocery.

“Marami naman magagandang bags at shoes diyan na mura lang. Nasa pagdadala  naman yun, eh. Praktikal lang naman ang labanan ngayon.”

Kaya pati sa make-up ay hindi mamahalin ang binibili ni Erich. Ginagamit na niya ang Careline noon pa bago siya kuning endorser nito.

“Parang imported make-up siya kaya gusto ko. Hindi ko alam na one of these days ay kukunin nila akong endorser. Ako na ang nagsasabi na magandang klase ang make-up line nila. Perfect para sa mga teens at adults,”

Yan si Erich na nagpaka-totoo lang sa buhay, di ba my dear editor. (Taamaaa!—Ed)

*************

Kung si Willie Revillame ay hindi nagustuhan ang pagpapaalam ni John Estrada sa PO5 ng TV5, si Richard Gomez naman ay nauunawaan ang kanilang kaibigang John.

Isa rin kasi si Richard sa mga matatalik na kaibigan ni John at isa rin sa mga sponsor sa kasal ng huli kay Priscilla Meirelles.

Maging si Anjo Yllana na barkada at kaibigan rin ni John ay nauunawaan din ang naging desisyon ng huli nang tanggapin nito ang offer uli ng Dos.

Maaari raw maganda ang offer na hindi matanggihan nina John at Randy. Saka  kailangan ni John ng magandang offer dahil mag-aasawa na ito muli, bukod sa may mga anak na rin to kay Janice de Belen na kailangan din niya suportahan.

Anyway, kaabang-abang tuloy kung anong noontime show ang gagawin nina John at Randy sa Dos.

*************

Hindi na raw muna tatanggap ng gay role si Alwyn Uytingco dahil gusto niyang mag-concentrate sa pagiging leading man sa drama series ng TV5 na Babaeng Hampaslupa.

Bale huling gay role na ginawa niya Ang Tanging Ina Mo…Last Na `To dahil tatlong beses na niya itong ginawa at napatunayan naman niya na mahusay niya itong nagampanan.

“Kumita na ako sa role na bading. Iba naman. Pero hindi ko naman totally na iiwan ang pagganap na gay. Okey pa rin pero as much as possible, huwag na muna ngayon. Kasi bini-build-up tayo ngayon sa paglabas sa drama. Para naman i-take ako seriously ng mga manonood.

“Kung magkakaroon uli ng isa pang Ang Tanging Ina….okey lang kasi ako lang naman ang makakagawa sa role kong yon. Pero I think huli na yun kaya goodbye muna sa gay role.”

Dahil sa madalas niya pagganap na bading ay di maaalis na mapagkamalan siya na isang certified gay.?

Natawa at hindi raw siya apektado dahil kilala niya ang sarili. Ang lalake raw kahit laging gay role ang gawin ay lalaki pa rin ito.

Hindi raw siya naniniwala nakakahawa ang pagiging bading.
Kahit baligtarin mo raw ang mundo ang lalake ay hindi magiging bading kahit puro gay role ang gawin at makasama nito, unless daw na matagal nang itinatago ng isang lalake ang kanyang tunay na kasarian. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply