Joint consultative commission sa Chacha hiling ni Evardone

IMINUNGKAHI ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa liderato ng Kamara na lumikha ng joint congressional consultative commission para sa charter change na kukonsulta sa iba’t ibang sektor bago tuluyang maisulong ang Constitutional convention.

Ang mungkahi ay ipinadala ni Evardone kina House Speaker Feliciano “SB” Belmonte at kay Senate President Juan Ponce-Enrile.

Ayon kay Evardone, sa darating na Pebrero a dos ay nasa 24 taon na ang Konstitusyon ng Pilipin na aniya’y nangangailangan na ng pagrerepaso batay sa makabagong panahon.

Bagama’t magiging mainitan umano ang debate sa Chacha, hindi naman dapat iro na nasa nasa media lang at Kongreso.

“It must be imperative that the debate should mobilize the masses of our people nationwide and in the grassroots level. The people should have a voice not only during the referendum but in the entire process of the debate. Non-government organizations, people’s organizations, civic, business, academe, religious, women, youth, farmers, fishermen and other organizations must be heard. In this manner, we can be assured of groundswell of support and a very solid foundation for our constitution.”

Tinawag ni Evardone na J4Cs ang komisyon na may  multi-party representations.

Ang J4Cs aniya ang sabay-sabay na magsasagawa ng public consultations habang nagdedebate naman ang mga mambabatas sa Kongreso para sa pagsasagawa ng Concon.

Sa ganitong paraan ayon kay Evardone ay mabibigyan ng sapat na kaalaman ang taumbayan ukol sa panukalang palitan na ang ilang probisyon ng Konstitusyon. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply