JPE sa kudeta sa Senado: Hindi ako kapit-tuko

Tiniyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na maluwag niyang tatanggapin at buong-pusong ibibigay kaninunman ang liderato ng Senado kung magkakaroon ng sapat na bilang ang sinuman gustong umagaw ng kanyang puwesto dahil hindi umano siya kapit-tuko.

Sa panayam kahapon, nagulat si Enrile sa naglabasang balita na magkakaroon ng palitan ng lider ng Senado sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes, Enero 17, ngunit hindi naman siya nabahala sa umuugong na kudeta.

“Sana’y ako sa coup d etat. I don’t know where that story came from but there is no need for them to do any coup d etat. All they have to do is to tell me here we have the 13 numbers, will you can and I’ll give it up right away,” giit ni Ernile.
Ayon kay Enrile, hindi siya magsasagawa ng loyalty check sa kasamahan sa Senado upang matiyak na manatili siya sa puwesto dahil malaya naman ang sinuman sa miyembro ng Mataas na Kapulungan na palitan ang kanyang liderato anumang oras.

“ I’m not going to do loyalty check. I think I will demean the members of the Senate if I’m going to conduct a loyalty check. For what? I told them before when they have approached to become the senate president that if I have remiss over and over, anytime if you want to change me, you’re free to change me. So, there’s no need for me do to any loyalty check because if I’m going to do it, that’s means I’m clinging to the position,” paliwanag ni Enrile.

Sakaling mapalitan sa Lunes, sinabi pa ni Enrile na hindi sasama ang kanyang loob sa anumang mangyayari dahil magkakaroon pa siya ng pagkakataon na gawin ang bagay na dapat niyang gawin.

“Bakit ako sasama ang loob? Papalakpakan ko pa sila. Alam mo ba at my age medyo mabigat itong trabaho na ito,” ani Enrile.

Hinggil naman sa sinabi nina Sen. Gregorio Honasan at Sen Loren Legarda, sinabi ni Enrile na “Well I appreciate ang kanilang sinabi pero kung kahit na satisfied sila kung inaakala nila na may iba at mas makakayanan na humawak ng pwesto na ito ay hindi ko ipagkakait sa kanila ito. Hindi ako mananatili dito.”

Itinanggi pa ni Enrile kung nalalaman niya na may kinalaman ang Palasyo sa napipintong palitan ng lider sa Senado dahil maganda at magalang naman umano ang kanyang pakikitungo sa bagong administrasyon.

“Wala naman akong nalalaman. I don’t think “Malacañang would even bother involve in anything like that. For what? As far as my relationship, with Malacanang, whether during the time of President Gloria and during this time of president Aquino, I’m have not change my attitudes towards malacanang. Ang aking degree cooperation is the same and I’m not doing this because I’m  beholden my self to anybody for power. I have had enough power in life, you know. I’m doing it for the country. We cannot afford to be bickering, to be fighting in this country anymore. There are people who are waiting for us to work together and serve them,” aniya.

Hindi rin umano siya gagawa nang anumang paraan upang pigilan ang sinasabing kudeta sa Senado dahil hindi naman siya kapit-tuko sa puwesto.

“I’m not. I will not. I shall not. I will not.,” ani Enrile.

“I don’t feel challenge at all.  I would feel challenge if I’m really that interested and dying to remain as senate president but I’m not. Anybody who has the number just come here and tell me. I’ll not take it against anyone. Just given in any organization like this, that when you peers would not want you anymore and they want to change you, sure,  go ahead, by all means,” dagdag ng senador.

Idinagdag pa ni Enrile na kung makatotohanan na pakana ng ilang miyembro ng Liberal Party ang pag-ugong ng kudeta sa Senado, “hindi niya mapipigilan, maliban na lamang kung may numero ang partido ng administrasyon.”

“Allies of the President. They are the one initiating this? They can have it if they want. I don’t know if they have the number. If the palace wants to change me which I doubt because I have not felt any such effort anything like that, my relationship with the palace is very cordial. But if they want to have their own man here, sure, by all means. I will give it to them in a silver platter.” Pahayag ng lider ng Senado.

Kung sakaling may numero ng LP, partikular na 13 boto para palitan siya, sinabi ng lider ng Senado na “Surely, I will take out all my things here and go to another room.” Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply