JR NBA sa PHL palalakasin

LALO pang palalawakin ng Jr. NBA program ang kanilang mga programa para marating ng mga organizers ang mas maraming Filipino youths at mahigit 400 schools sa apat na siyudad sa bansa.

Ang Jr. NBA ay kilala sa US basketball league’s youth development program na naglalayong itaguyod ang sport at ang pagkakaroon ng active lifestyle ng mga bata.

Maliban sa pagbisita sa Maynila at Cebu, ang Jr. NBA ay dadayo na rin sa Bacolod City at Laguna.

Binago na rin ng mga organizers ang kanilang itinakdang age limit para sa mga participants ngayong taon kung saan mula 12 noong 2010 hanggang 10-14 years-old.

Nagsimula na ang programa sa Maynila kamakalawa habang mula January 21 hanggang February 2 ay isasagawa naman ang mga programa sa Bacolod City, Cebu at Laguna.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply