Juggling Act sunod-sunod ang panalo

TULOY-TULOY ang umento ni Juggling Act sa karerahan matapos ang sunod-sunod na panalo kabilang ang naganap na Special Class Divisions-21A-18-17-17B Sabado ng hapon sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Kilala si Juggling Act na debokang kabayo subalit medyo naantala siya ng bahagya sa largahan.

Pagpasok ng far turn ay nasa unahan na si 2011 Garnet I challenge race winner Juggling Act habang kabuntot ang segundo liyamadong si Mooney Money.

“Masyadong magaling ngayon si Juggling Act ang sarap patakbuhin pag hiningan mo pagbibigyan ka.” paliwanag ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel, hinete ng winning horse.

Umoras si Juggling Act ng 1:18 sa 1,300 meter race upang manalo ito ng anim na kabayo ang pagitan sa nasegundong si Mooney Money habang tumersero naman si Expecting Caitling.

Samantala, nakitaan ng husay ang bagitong kabayo na si Nash sa naganap na Three-year-old Condition race kung saan ay nanalo ng may walong kabayo ang distansya sa mga katunggali.

“Malayo ang mararating ni Nash dapat hinay-hinay lang sa magiging kalaban para hindi mabigla,” wika ni 2010 Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Jessie B. Guce.  Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply