Kabibyuda at separated, puwedeng magpakasal muli

MAWAWALAN na ng bisa ang muling pagpapakasal ng isang bagong biyuda o legal na hiwalay sa asawa kapag naisabatas ang House Bill 1556 na inihain ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo.

Layunin ng panukalang ito ang maayendahan ang Article 351 ng Revised Penal Code na nagsasabing maaari lamang na muling magpakasal ang isang byuda makalipas ang 301 araw, at kapag ito ay nilabag ay nahaharap ang akusado sa anim na buwang pagkabilanggo at multang nagkakahalaga ng P500.

Ayon kay Romualdo “pinoprotekhan lamang ng Family Code ang pagkilala sa pagiging lehitimo ng anak nito sa sinundang asawa, kaya’t isinama sa probisyon nito ang 301 araw na palugit bago ito muling mag-asawa. Masyadong mapang-api sa mga kababaihan ang naturang batas, lalo pa kung hiwalay na siya sa kanyang asawa at nagdadalangtao siya sa bago niyang kasuyo.”

Dapat na rin aniyang maipawalang bisa ang naturang batas upang maalis na ang pang-aapi sa mga kababaihan at mabigyan sila ng puwang at pagkilala sa lipunan, at higit sa lahat ay makapagpakasal sa kanilang napupusuan matapos na sumakabilang buhay ang kanilang unang asawa. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply