Kailangan na ba si Superman?


SABI daw ni Pangulong Noynoy Aquino hindi naman sya si Superman para dagliang ma-solve lahat ng problema ng bayan.

Sa gitna ng sunod-sunod na mga karumaldumal na krimen kung saan tila naghahamon pa sa katapangan ang mga kriminal, kailangan na nga ba natin si Superman?

At kung sabi ni PNoy hindi sya yun, sino kaya si Superman?

Si Mar Roxas ba na itinalaga ni PNoy na chief trouble shooter daw as if hindi pa sapat ang tulong at serbisyo ng mga myembro ng gabinete ng Pangulo na nakapalibot sa kanya sa pangunguna ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa, Jr.

Kahit may mga tumaas ang kilay, marami ang hindi na nagulat. Parang inaasahan na talaga na magkakaroon si Mar Roxas ng mahalagang papel na gagampanan sa administrasyong Aquino.

Hindi rin natin masisisi si PNoy sa pagbibigay ng mahalagang pwesto kay Mar na nagsakripisyo para makatakbo sya sa pagka-Presidente.

So kung hindi si PNoy si Mar Roxas nga ba si Superman. O Batman and Robin tandem ang dalawa? Ang tanong sino si Batman at sino si Robin sa kanilang dalawa. Sino ang totoong leader at sino ang alalay.

Ilang beses ko na rin nakasama sa mga pagtitipon at mga activities sa Quezon City si Mar Roxas. Pwede ko masabi na nasundan ko ang kanyang political career dahil taga QC sya. Di hamak na mas pinaghandaan ni Mar Roxas kaysa ni Noynoy ang pagiging Pangulo.

Alam naman natin na walang kabalak-balak noon si Noynoy na tumakbo pagka-Presidente at dahil lang sa kamay ng tadhana kaya siya ang Pangulo ngayon ng bansa. Baka ito ang dahilan kung bakit harapang sinasabi ni PNoy na kailangan nya si Mar sa kanyang administrasyon.

Kailangan ni Noynoy ang maraming taon na karanasan ni Mar Roxas.  Sa kanyang paghahanda sa matagal nang ambisyong maging Presidente na naudlot nga ng tadhana, mas maraming nahawakang sitwasyon si Mar na naging training nya para pamunuan sana ang Pilipinas.

Matatandaang napakalawak ng preparasyong ginawa ng kampo ni Mar para sana sa kanyang Presidential run. Matagal na pinaghandaan ni Mar ang pagiging Presidente ng Pilipinas pero sa pagdating ng panahon nalaman ng lahat na hindi pa handa ang Pilipinas para pamunuan ni Mar bilang Presidente.

Kaya nga ang ilan, nagiisip pa rin na isang termino lang ni PNoy ang hihintayin ni Mar at parang na-extend lang ng anim na taon pa ang kanyang preparasyon. Pagdating ng susunod na halalan hihirit ulit si Mar at ang pagbibigay ni PNoy ng mahalagang pwesto sa kanya ngayon pa lang ay magandang partida para sa kanya.

Pero kaya ba ni Mar na gampanan ang role ni Superman na parang inuurungan ni PNoy?

Sa lahat ng mga nangyayaring ito, kailangan na nga ba natin ang Superman?  Hindi na ba natin malalagpasan ang mga pagsubok na ito kung walang superhero?  Pabor ba sa isang Mar Roxas ang mga nangyayaring disappointments sa pamahalaang Aquino?  Pwede nga ba si Mar na maging Superman? Kung hindi siya at hindi si Noynoy, sino?

Nasaan ang superhero dahil kailangan natin sya ngayon dito.

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply