Kamara hati sa pagtatalaga ni P-Noy kay Roxas

HATI ang mga kongresista sa pagtatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III kay dating Senador Mar Roxas, natalo niyang katandem nitong nagdaang 2010 eleksyon.

Si ACT Partylist Rep. Antonio Tinio ay kumbinsido sa pahayahag ni P-Noy na si Roxas ay magiging “troubleshooter” sa kaniyang gobyerno ngunit siniguro ng kongresista na ito ay isa ring “trouble maker.”

“He will be both (troubleshooter and troublemaker). He’ll provide the experience and skills in governance. On the other hand, his actual presence in Malacanang will surely intensify the factional conflicts within the ruling clique, with Vice-President Binay heading a rival bloc,” giit pa ni Tinio.

Tinukoy ni Tinio ang dalawang kampo sa administrasyong Aquino, ang Samar group ang umano’y grupong sumuporta kay Vice President Jejomar Binay at ang Balay group na diumano’y pinamumunuan ni Roxas.

Si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay nagpayo rin kay P-Noy na huwag ng ilagay si Roxas sa posisyon dahil hindi rin umano naiiba ang Pangulo sa mga nagdaang administrasyon.

“This is yet again a manifestation of patronage politics and will only intensify as the one year ban on appointments of losing candidates is about to expire. We can expect more of President Aquino’s losing allies to be appointed to key positions,” ayon kay Colmenares.

Dinepensahan naman nina Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., chairman ng House committee on justice, at Alyansa ng mga Grupo ng Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan (AGHAM) party-list Rep. Angelo Palmones ang plano ni Pangulong Aquino na iluklok sa pwesto si Roxas.

Sinabi ni Tupas na  “former sen. Mar Roxas has vast experience in government and has expertise in finance, the economy, and good governance. He will be an important asset to the Aquino administration.”

Naniniwala naman si Palmones na magiging malaking tulong sa Administrasyong Aquino si Roxas.

“Sen. Mar will be very efficient considering his experiences and accomplishments in the Senate and in the Cabinet of previous administrations,” sinabi pa ni Palmones. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply