Kamay na bakal laban sa mga kriminal

LANTARANG hinahamon ng mga kriminal ang buong pamahalaan sa paggawa ng mga ito ng mga karumal-dumal na krimen.

Yun bang === habang lumalagablab ang isyu ng pagpatay at pagsunog sa ilang mamamayan, sinasabayan pa ang mga ito ng iba pang mga mabibigat ding krimen.

Kabilang sa mga nakapaninindig-balahibong krimen ang pagratrat ng riding in tandem sa apat na motorsiklo sa isang Safari na sasakyan ng money changer sa Ermita, Manila.

Araw na araw isinagawa ito at gumamit pa ng mga armalite ang mga suspek na maaaring gustong mangholdap.

Mabuti na lang at nagkataong bullet proof ang sasakyan kaya walang nasaktan sa mga sakay nito at wala ring nanakaw sa loob ng sasakyan gaya halimbawa ng salapi.

Kahapon ay natagpuan naman ang bangkay ng isang dalagang pugot ang ulo at hubo’t hubad sa lalawigan ng Cavite.

Hinihinalang ni-rape muna ang kawawang biktima bago ito pinugutan at itinapon na lang na parang basura.

Kalagitnaan naman ng gabi kamakalawa nang tangayin ng mga carnapper ang Toyota Land Cruiser ng kamag-anak ni dating Senador Mar Roxas sa pusod ng Makati City.

Laking pasasalamat ng may-ari at driver dahil hindi sila sinaktan at itinulad sa sinapit nina Emerson Lozano, Ernani Sensil, Venson Evangelista at Levi Dulay na pinatay na, sinunog pa.

Isang grupo naman ng mga dating miyembro ng militar at CAFGU ang nahuli ng mga puwersa ni NCRPO chief Nic Bartolome sa panghoholdap sa isang bangko sa Taguig City.

oOo

Ang ginagawang ito ng mga kriminal ay masasabing tahasang paghamon sa kakayahan ng pamahalaan laban sa kanila.

Dahil sa laki ng pinsala na idinudulot ng mga kriminal sa mamamayan, dapat na hindi magpasindak ang pamahalaan. Dapat nitong ibuhos ang buong puwersa nito o gamitin ang kamay na bakal sa pagkilala at paghuli sa mga kriminal saka sila iharap sa timbangan ng katarungan.

May suspetsang kinasasangkutan ng ilang awtoridad ang mga nagaganap na krimen. Kung totoo ito, dapat na bukod sa pagtugis sa mga ordinaryong kriminal, linisin na rin nang husto ng pamahalaan ang hanay ng mga public servant mula sa kamay ng mga kriminal at scalawag.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply