Kamote ipapalit sa tinapay

HINIMOK ng pamahalaan ang Sambayanang Pilipino na damihan na lang ang pagbili ng kamote bilang pamalit sa patuloy na tumataas na halaga ng tinapay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, isinusulong na ng Department of Agriculture ang pagkonsumo ng kamote dahil sa mataas na halaga ng produktong harina sa world market.

Ipinaliwang  ni Lacierda na mahigit na sustansya ang nakukuha sa kamote tulad ng  vitamin A, C, B6, beta-carotene, carbohydrates, calcium, magnesium, phosphorus, potassium, sodium, at dietary fiber.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na kokonsultahin niya si Trade Secretary Gregory Domingo kaugnay naman sa apela ng mga miller na makasiguro sa taripa ng subsidized na harina mula sa Turkey na 88% ng Philippine flour imports.

Kasabay nito, plano naman  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Red Cross na isulong ang pagpapatupad ng Food Donation Act upang makatulong sa mga Pilipino na kapos sa pagkain.

Ang batas ay naghihikayat sa mga hotel at restaurant na i-donate na lang ang kanilang mga tirang pagkain sa Red Cross at DSWD upang i-repack at ibigay sa mga mahihirap.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply