Kapangyarihan ni P-Noy sa pagtalaga ng Gabinete, pupungusan ng Senado

Nais ni Sen. Manny Villar na pungusan ang kapangyarihan ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagtatalaga ng miyembro ng Gabinete kapag dalawang beses nang naibasura ng Commission on Appointment (CA).

Sa kanyang panukalang Senate Bill No. 2605, sinabi ni Villar na kailangang lagyan ng hangganan ang kapangyarihan ng chief executive sa pagtatalaga ng miyembro ng Gabinete upang hindi maabuso ang probisyon sa Saligang Batas.

Aniya, kapag naibasura ng CA ng dalawang beses ang nominasyon ng isang miyembro ng Gabinete, hindi na maaari pang italaga ito ni Pangulong Aquino bagkus papatawan ng kaukulang parusa sa mga “nagpupumilit” na magkumpirma ng komisyon.

“The presidential power of appointment should provide for more safeguards to prevent abuses. Hence , under this legislative measure which was originally filed by Sen. Aquilino Q. Pimentel Jr. during the 14th Congress, a presidential nominee or ad-interim appointee whose appointment is bypassed twice by the Commission on Appointments(CA) shall not be e-nominated or reappointed by the President. Through this bill, the constitutional mandate of the Commission on Appointment to act as a check on the presidential appointing power may be realized,”paliwanag ni Villar sa kanyang panukala.

Aniya, dapat ipairal ang two strike policy sa kumpirmasyon ng mga nominado ng Palasyo na kapag naibasura nang dalawang beses, dapat palitan na ito ni Pangulong Aquino.

Iginiit ni Villar na ipapakulong ng anim na buwan o pagbabayarin ng P100,000 o parehong ipapataw ang nasabing kaparusahan depende sa desisyon ng Korte, ang Executive Secretary, o sinumang opisyal ng Office of the Presidente at Gabinete na magpupumilit sa nominasyon nang ibinasurang nominado. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply