Kapos sa height na Katutubo, pwede na sa PNP

UPANG mabigyan ng pantay na karapatan  ang mga katutubong grupo, tatanggalin na ng National Police Commission (Napolcom) ang “height requirements” para sa mga miyembro ng “indigenous groups” na nais pumasok sa Philippine National Police (PNP).

Nagpalabas ang Napolcom ng Memorandum Circular no. 2011-001 na nakasaad ang mga panuntunan sa aplikasyon ng mga miyembro ng “indigenous groups” sa police service..

Sinabi ni Napolcom Chairman Jesse Robredo na binibigyan na nila ng pantay na oportunidad ang mga Pilipinong buhat sa mga katutubong komunidad para alisin ang deskriminasyon sa mga ito.

Sa naturang polisya, tinatanggal o isinasailalim sa “waiver” ang “height requirements” ang pagpupulis para sa mga miyembro ng “indigenous groups” ngunit sa mga hindi miyembro ay maaari lamang itong matanggal sa pamamagitan ng “en banc decision” ng board ng Napolcom.

Dahil dito, maaari nang makapasok ang mga kuwalipikado ngunit kapos sa taas na mga Pilipinong katutubo tulad ng mga Aeta at iba pang grupong katutubo.

Ngunit kinakailangan pa rin umanong makapagbigay ng sapat na requirements at pumasa sa iba pang panuntunan ang mga aplikanteng katutubo.

Sinabi naman ni Napolcom Vice-Chairman Eduardo Escueta na dadagdagan nila ng mga aralin sa “moral recovery program” ang eksaminasyon na ibinibigay ng Napolcom para sa mga aplikante para sa pagpupulis bilang bahagi pa rin ng ambisyong baguhin ang masamang imahe ng pulisya. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply