Kasabwat ni Garcia, ipinalalantad sa AFP

INATASAN ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isinumite ang lahat ng procurement records sa panahon ni dating AFP chief of staff at DND Sec. Angelo Reyes.

Ganito ang nakapagkasunduan ng miyembro ng komite sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III sa ginanap na pagdinig sa Senado hinggil sa plea bargaining agreement na pinasok ni dating AFP comptroller Ex-Major Gen. Carlos Garcia.

Ayon kay Sen.Antonio Trillanes IV, kailangan malaman o matukoy kung sino ang signatories o kasabwat ni Garcia sa pagpapalabas ng sinasabing ninakaw na pondo ng military kabilang ang nawawalang P50 milyon sa ibinayad ng United Nations sa Pilipinas.

Partikular na tinukoy ni Trillanes, ang lahat ng procurement records sa panahon ni Reyes, dating hepe ng senador dahil hindi umano maipapalabas ang anumang pondo sa AFP kung walang aprubal ng nakatataas kay Garcia.

Kaagad naman na tiniyak ni Defense Sec. Voltarie Gazmin sa komite na isusumite kaagad sa Senado ang lahat ng procurement records sa binanggit na panunungkulan ni Reyes at Garcia.

Ngunit, nagmatigas naman si Garcia na ibunyag sa Senado kung sino ang kanyang kasabwat sa loob ng Sandatahang Lakas sa kabila nang pag-amin nito sa kasong facilitating money laundering.

Iginigiit ni Garcia na batay sa kanyang pagkakaunawa sa pinasok na plea bargaining, hindi na kailangan pang idetalye kung ano ang nangyari sa inamin nitong pagnanakaw ng pera sa kaban ng AFP.

Sa pagdinig, bahagyang nagkasagutan naman sina Sen. Franklin Drilon at Ombudsman Special Prosecutor Wendell Sulit matapos kuwestiyunin ng seandor kung bakit hindi hinabol ng prosekusyon ang P50 milyon na kumpirmadong kinuha ni Garcia mula sa kuwestiyonable bank accounts.

Ipinaliwanag ni Sulit na kung hindi man nakasama sa plea bargaining deal ni Garcia ang P50 milyon, maaaring mabawi naman ito sa forfeiture case na isinampa laban sa dating comptroller ng AFP.

Naging kontrobersyal ang plea bargaining deal ni Garcia at ng government prosecutors sa Sandiganbayan dahil bumaba ang kaso ng heneral at nadehado ang gobyenro, kung saan kabilang sa nakapaloob sa kasunduan ay tanging P135 million lamang isusuli ni Garcia sa pamahalaan mula sa mahigit P300 million na umanoy ninakaw nito mula sa kaban ng Sandatahang Lakas. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply