Kasikatan ni Pacman, buburahin ni Donaire

DAHIL sa namuong iringan sa pagitan ng kampo  nina pound for pound King Manny Pacquiao at “The Filipino Flash” Nonito Donaire, sinabi nito kahapon na gusto niyang maging pinakasikat na boksingero sa mundo.

Tila ibinubulong ni Donaire sa mga fans na gusto niyang lampasan ang naging kasikatan ni Pacquiao na ngayon ay nagkakaedad at hindi na maiwasan ang pagreretiro sa mga susunod na ilang taon.

Sisimulan umano ni Donaire ang pagpapasikat sa mundo sa pamamagitan ng pagpapatulog kay WBC/WBO bantamweight champion Fernando Montiel upang patunayan na karapat dapat siyang mapabilang sa top ten ng pound-for-pound list.

Ayon kay Donaire, patatahimikin nya ang mga bumabatikos sa kanyang kasalukuyang ranking sa pound-for-pound list sa pamamagitan ng pagpapabagsak kay Montiel sa kanilang nakatakdang laban ngayong Pebrero 19, sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Inamin ni Donaire na magaling na boksingero si Montiel ngunit wala na umanong makapipigil sa kanya sa pag-agaw sa korona ni Montiel.

Si Donaire na may 25 panalo at isang talo, 17 panalo sa pamamagitan ng knockout, ay panglima sa pound-for-pound list ng Ring Magazine, samantalang si Montiel na may record na 44 wins, 2 losses, 34 wins via knockout ay pangpito sa pound-for-pound ranking.

Sa pustahan sa Las Vegas, liyamado si Donaire, 2-1, laban kay Montiel kahit na ito ay challenger lamang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply