Kasiraan ng PNP ipinasasalba sa mga mambabatas

NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil na lumawak ang demoralisasyon sa hanay ng Philippine National Police dahil sa sunud-sunod na pag-atake sa nabanggit na institusyon.

Bagama’t kinikilala ng kongresista ang unti-unting pagsama ng imahen ng PNP ay binigyang diin niyang kagagawan lamang ito ng mga iilang tiwaling pulis.

Kasunod nito, umapela si Bataoil sa mga mambabatas na tulungang makabangon ang PNP at malinis ang imahen nito sa pamamagitan ng imbestigasyon sa mga isyung bumabalot ngayon sa kapulisan bilang tulong na rin aniya sa liderato ng PNP na repormahin ang may 130,000 miyembro nito.

Aniya marami pang paraan upang maibangon ang imahen ng PNP kabilang dito ang paghihigpit sa recruitment dahil ang paghina aniya ng PNP ay siya namang paglakas ng mga kriminal.

Iminungkahi rin ng kongresista na magkaroon ng tuluy-tuloy na pagsasanay sa hanay ng pulis upang ang bagong recruits ay maging tunay ng professional policemen ng bansa. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply