Kaso ng Bird flu nadiskubre sa Japan

ISANG opisyal ang nagkumpirma na nadiskubreng may bird flu ang isang farm sa southern Japan at nakatakdang alisin ang may  410,000  manok dito.

Ayon kay Miyazaki agricultural official Masuhiro Nozaki, lima ang namatay na manok na kumpirmadong may H5 strain ng bird flu, Linggo.

Sinabi pa ni  Nozaki na nakatakdang magsagawa pa ng ilang pagsusuri sa mga namatay na manok upang madetermina kung H5N1 nga ang tumama sa mga ito.

Nabatid pa kay Nozaki na magpapadala pa ang Japan ng 160 ground troops  sa Miyazaki upang tulungan ang lokal na awtoridad na mapigilan ang pagkalat ng bird flu. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply