Kaso ni Mayweather tatagal pa

MALAKI ang posibilidad na tatagal pa ang paggulong ng mga kaso ni Floyd Mayweather Jr. at malabo na ring makaharap niya si Manny Pacquaio.

Ito ay matapos ma-reset na naman sa March 10 ang hearing sa kaso kung saan maikling court appearance lamang ang ginawa ng boksingero sa felony domestic violence case.

Pumayag si Las Vegas Justice of the Peace Melissa Saragosa sa postponement na hinihiling ng kampo ni Mayweather sa pamamagitan ng abogadong si Karen Winckler dahil hinihintay pa umano nito ang pormal na pangingialam ng kanyang law partner na si Richard Wright sa kaso.

Kahit na hindi ito katanggap-tanggap, hindi naman nagpahayag ng pagtutol sa pagkakaantala ng hearing si prosecutor Lisa Luzaich.

Si Mayweather, 33, na nasa labas lamang ng court at nasa kalayuan naman si manager Leonard Ellerbe, fiancé Shantel Jackson at adviser Sam Watson, ay tumangging magsalita hinggil sa nasabing kaso. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply