Kaso sa pagpatay kay Venson lutas na – PNP

KOMPIYANSA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na lutas na ang kaso ng karumal-dumal na pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista.

Ayon kay PNP-Region III director, C/Supt. Allan Purisima, matibay  ang mga pinanghahawakan nilang ebidensya at testigo makaraang sumuko ang dalawang suspek

Maliban  dito, nadagdagan pa umano ang mga ebidensya sa ginawang pagsalakay ng pulisya sa safe house ng mga suspek sa San Fernando, Pampanga.

Una rito, kinumprima ni Special Investigation Task Group head C/Supt. Benito Estipona, na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang sinasabing “bading” na nagpakilalang buyer ng sasakyang ibinebenta ni Evangelista, na kinilalang si Alfred Mendiola at isang Batibot Parolan.

Maliban sa dalawa, naaresto  rin ang suspek na si Jomari Quizon, na siyang naging ahente at nakipag-deal sa van ni Lozano.

Nangako si Mendiola na magiging star witness sa kaso kasabay ng pagdidiin sa lider umano ng Dominguez carnapping syndicate na si Raymond Dominguez at kapatid na si Roger na siyang nasa likod ng Evangelista at Rejoice Rivera murder case.

Kaugnay naman sa kaso ng anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson, sinabi ni Purisima na maaring makakakuha sila ng magandang lead mula sa mga ebidensyang nakuha sa ginawang raid sa hideout ng mga Dominguez para sa pagkakalutas sa kaso ng batang Lozano.

Iginiit naman ni Purisima na walang nilabag na karapatang pantao sa ginawang pag-aresto sa mga suspek at pagtukoy sa naging mastermind ng krimen.

Ayon kay Purisima na ang mga suspek mismo ang kusang sumuko at nagbigay ng kanilang nalalaman sa krimen lalo’t hindi umano kagustuhan ng mga ito ang nangyaring pamamaslang sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply