Katarungan hiling ng pamilya Lozano

BLANGKO pa rin ang pamilya ni Atty. Oliver Lozano kung sino ang nasa likod sa pagpatay sa kanyang anak at driver nito.

Umapela si Lozano sa awtoridad na bigyan ng katarungan ang sinapit ng anak at panagutin ang mga sangkot sa krimen.

Ang anak ni Lozano na si Emerson, 44, ay natagpuang patay at sunog ang katawan sa Porac, Pampanga makaraang makipag-transaksiyo sa isang buy & sell ng mga kotse.

Matatandaang batay sa report ni Supt. Antonio Yara ng QCPD-CIDU, huling nakita ang batang Lozano kasama ang kanyang driver na si Ernani Sensil nitong nakaraang Miyerkules sa isang gasolinahan sa Old Balara, Quezon City.

Nakilala ang bangkay ng batang Lozano matapos magtugma ang dental records nito sa sunog na bangkay na natagpuan sa Porac, Pampanga batay na rin sa isinagawang pagsusuri ng PNP crime laboratory.

Ayon kay Lozano, posibleng biktima ng mistaken identity ang kanyang anak dahil wala naman itong kaaway at wala rin silang alam na nagtatangka sa buhay nito.

Itinanggi rin ni Lozano ang posiblidad na siya ang target ng pagpatay ngunit ginantihan lamang ang kanyang anak

Magugunitang si Atty. Lozano ay nakilala dahil sa madalas na paghahain ng impeachment complaint noon laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply