Kelot at bebot , todas sa pamamaril

PATAY ang isang lalaki at isang babae matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang sila ay nagkukuwentuhan sa tapat ng Amalfi Crown Subdivision, Brgy. Paliparan 1, Dasmarinas City.

Kinilala ang mga biktima na sina Joerge Cuanson at Ennovelet Balenario.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rez Alovera, nag-uusap ang mga biktima dakong 7:15 ng gabi habang nakaupo sa motorsiklo na may plakang UD-3753 nang biglang hintuan ang mga ito ng isang galvanized owner type jeep na may plakang 695 ngunit walang control letter.

Bigla na lang umanong pinaulanan ng bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril ang mga biktima hanggang sa bumulagta ang mga ito bago nagmamadaling tumakas ang mga suspek.

Narekober naman ng SOCO sa pamumuno ni P/Supt. Karen Palacios ang 11 piraso ng basyo ng cal.7.62; siyam na basyo ng cal. 45 at dalawang deformed slug nito.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng pamamaril at madakip agad ang mga suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply