Kelot binaunan ng 4 bala, todas

PATAY ang isang lalaki  matapos barilin ng apat na ulit sa katawan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Bremen St., North Fairview Subdivision, Quezon City, Miyerkules.

Isinalarawan ni PO3 Loreto Tigno, ng QCPD criminal investigation division unit ang biktima na  nakasuot ng maong pants at asul na t shirt, katamtaman amh pangangatawan, kayumanggi ang kulay.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 ang biktima, may taas na 5’5.

Nabatid na natuklasan sa katawan ng biktima ang tattoo  na batang city jail o bcj 32.

Nakuha ng pulisya sa tabi ng  biktima ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa natagpuang bangkay. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply