Kelot naglason sa Caloocan

Patay ang isang lalaki matapos tumungga ng lason nang makipagtalo sa ka-live-in sa Caloocan City.

Patay na nang makita ang biktimang si Armando Fabon, 47, ng Kaunlaran Village,  naturang lungsod.

Sa ulat, kamakalawa ng gabi, sa hindi pa batid na dahilan ay nagtalo ang biktima at ang ka-live-in na si Liza sa loob ng kanilang bahay.

Natulog si Liza subalit paggising ng dakong 6:00 a.m ay nakita na lamang nito ang biktima na patay na at bumubula ang bibig habang nasa tabi ang isang botelya ng silver cleaning solution.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply