Kelot natagpuang hubo’ hubat sa ilalim ng tulay, tepok

HUBOT HUBAD at nakabalot  ng packing tape ang mukha at nakatali ang kamay at paa nang matagpuan ang isang mekaniko na wala nang buhay sa ilalim ng tulay ng Vitas sa Tondo, Maynila, madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ni Insp Armand Macaraeg, Hepe ng MPD-homicide section ang biktimang si Frederick Borja, alias “Eric” , 34,  may live-in partner, ng 1950 F. Varona St., Tondo.

Samantala, pinaghahanap pa rin hanggang ngayon ang huli nitong kasama na kanyang helper na si Sherwin Navarro, alias  Badong.

Sa report ni   Jupiter Tajonera ng MPD-homicide section, dakong 6:00 ng umaga nang nadiskure ng isang Jr Ramirez, 18, ang bangkay ni Borja sa ilalim ng tulay ng Estero Vitas sa Balut, Tondo, Manila at agad na ipinagbigay alam ito sa opisyal ng barangay na siya namang nagreport sa pulisya.

Napag-alaman ni PO2 Tajonera, bago ang pagkamatay ng biktima, namasyal pa ito  sa Mall of Asia kasama ang kanyang kapatid na galing ibang bansa at ibang kaanak nito noong January 19 at nakauwi na ng 10:00 ng gabi.
Ayon sa kanyang live-in partner na si Lea Gonzales, 31, pagkauwi umano ng biktima bandang 11:00p.m. may  kausap ito sa cellphone na pinapapunta umano ito sa isang lugar sa J. Abad Santos dahil may ire-repair itong motorsiklo.

Sakay ng isang motorsiklong Yamaha (NL 8859) umalis ang biktima kasama ang kanyang helper na si Navarro. Hindi na bumalik ang dalawa simula noon hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay sa naturang lugar.

Inamin ni Tajonera na palaisipan pa rin ang pagkamatay ng biktima dahil wala naman itong palatandaan na sinaktan o pinahirapan ng mga suspek.

Nabatid din na nawawala ang P15,000 cash ng biktima na hinhinalang bigay ng kapatid nito mula sa ibang bansa; bracelet na nagkakahalaga ng P20,000 at Lacoste na relo  (P5,000) at ang motorsiklo nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply