Kelot pinagbabaril sa tulay todas

PATAY ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa isang tulay sa Quezon City, iniulat Linggo.

Ang biktima na hindi pa nakikilala ay tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, nakasuot ng itim na t-shirt at pulang shortpants.

Agad namang tumakas ang hindi nakikilalang suspek at kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station  3 Talipapa, naganap ang insidente dakong 8:45 ng gabi kahapon sa footbridge ng Carmel Avenue, Carmel II, Bgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sa report, nakarinig umano ng sunod-sunod na putok ng baril ang security guard na si Peter Baraci, 28, ng Carmel I, Project 8, Bgy. Bahay Toro, nasabing lungsod.

Nang usisain ang pinanggalingan ng putok ng baril, nakita niya ang nakalugmok. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply