Kelot utas sa resbak

TUMIMBUWANG sa harapan ng kanilang bahay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Police Superintendent Marcelino Pedroso Jr., hepe ng Quezon City Police Station 6  ang biktimang si Ramil Vavoreal, 35, ng 18 Mangga st., Brgy., Payatas, nasabing lungsod.

Kaagad namang tumakas ang dalawang salarin bitbit ang ginamit na baril matapos isakatuparan ang krimen.

Sinasabing may matinding galit ang mga suspek  dahil sa tiniyak nila na hindi na maaaring makaligtas sa mga tinamong tama ng bala ang biktima bago iniwanan.

Sa inisyal na ulat ni PO1 Amante Cabati, naganap ang pamamaril ng 6:30 ng gabi sa Atis road Brgy., Payatas.

Lumitaw sa pagsisiyasat, nasa labas ng bahay ang biktima at nagluluto kasama ang kanyang kaibigan na si Guadalupe Sevilla nang sumulpot ang dalawang lalaki.

Nang makalapit sa kinatatayuan ng dalawang magkaibigan ay walang sabi-sabing bumunot ng baril ang isa sa kasamahan ng suspek at mablis na itinutok ang baril sabay ilan ulit na ipinutok sa biktima.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakagalaw sa kinatatayuan ang kaibigan  upang sumaklolo sa biktima hanggang sa tumakas ang dalawang suspek na naglalakad lang palayo sa lugar.

Hinala ng pulisya na posibleng may nakagalit ang biktima kaya binuweltahan upang gawin ang kanilang paghihiganti sa hindi pa mabatid na atraso. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply