Beauty doc na may atraso sa tax, makakalaboso

Nahatulang mabilanggo ng Court of Tax Appeals (CTA) ang beauty doctor na si Dr. Joel Mendez dahil sa two counts ng tax evasion.

Sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, si Mendez ay nahatulan dahil sa kabiguan nitong mabayaran ang income tax return sa mga taong 2002-2003 at 2003-2004 na nagkakahalaga ng P1.5 milyon at P2.1 milyon.

Bukod dito, pineke umano ni Mendez ang income tax return nito nang kanyang ilagay na isa lamang branch nito ang nag mago-operate subalit sa katunayan ay dalawa pala.

Sinintensyahang mabilanggo ng CTA si Mendez ng isa hanggang dalawang taong pagkakabilanggo para sa bawat  isang kaso at pagmumulta ng P10,000 o kabuuang P20,000 para sa dalawang kaso.

Nahatulan si Mendez dahil sa paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC).

Nilinaw naman ni Henares na maituturing na maliit lamang ang kaso subalit ito ay “significant” dahil nagpapakita na tumatakbo ang kaso. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply