Kilalanin, habulin ang utak sa Dr. Ortega slay

HABANG lumilipas ang mga araw, mukhang patutungo  ang kaso ng pamamaslang kay mediaman Dr. Gerry Ortega sa kadiliman.

Yun bang === hindi malalaman kung sino talaga ang utak o nag-utos sa pagpaslang kay Ortega.

Bagama’t nahuli agad ang gunman na si Marlon Dicamata de Chavez, alias Marvin Alcaraz, lumalabas na may kalituhan sa kung sino ang nagbayad para patayin niya si Ortega.

Marami, mga Bro, ang dapat na malutas na usapin dito.

Una, si Attorney Romeo Seratubias na dating provincial government administrator ang sinasabing may-ari ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaslang.

Pero sinasabi naman ni Seratubias na matagal na niyang naibenta ang baril at ang ibig sabihin nito ay hindi siya ang may utak sa pamamaslang.

Kung totoo ang sinasabi ni Seratubias, madaling ma-trace ang paper trail ng baril. Yan ay kung walang hokus-pokus sa usaping ito.

Ikalawa, totoo bang hinugot lang si Dicamata mula sa isang kulungan at pinalabas siya roon para lang isagawa ang krimen?

Kung totoo ito, sino-sino ang mga responsable sa nagpalabas sa kanya? Magkakilala ba ang mga warden at jail guard at ang nagpalabas kay Dicamata sa kulungan?

Ikatlo, higit na marami ang naniniwalang may koneksyon sa trabaho bilang mediaman kaysa pagiging pulitiko ang dahilan ng pamamaslang kay doktor.

Minsan nang naging bokal sa lalawigan si Ortega at tumakbo ring gobernador ngunit natalo.

Kung totoo ito, sino-sino ang kanyang mga nasagasaan sa kanyang mga komento bilang isang anchor sa DWAR Palawan?

Mga pulitiko umano at konektado sa mga mining activities, kasama na ang mga kuwestiyonableng transaksyon sa salapi ng Malampaya natural gas, ang ilan sa mga sentro ng topic ni Ortega.

Sino-sino silang may malalaking interes ang nasagasaan ng mediaman sa pagpractice nito sa profession.

Dapat kumilos ang mga kinauukulan sa pagkilala sa mga taong nagsabwatan para mapaslang si Ortega.

Kung gugustuhin ng mga awtoridad na kilalanin ang mga utak sa krimen, magagawa nila ito dahil nahuli nga si Dicamata.

Doon sila magsimula at tiyak na lalabas ang katotohanan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply